Glossary of Terms - Copyright

Copyright and Related Rights / Karapatang-sipi at mga Kaugnay na Karapatan

English

Author

An author is the natural person who has created the work. Some examples of authors include: writers, composers, carvers, etc.

Filipino

Manlilikha

Ang manlilikhaay ang táong lumikha ng gawa.Ilan sa mga halimbawa ng mga manlilikha ay ang sumusunod: manunulat, kompositor, manguukit, atbp.

English

Broadcasting

Broadcasting means the transmission by wireless means for the public reception of sounds or of images or of representations thereof. The transmission of encrypted signals by satellite is also broadcasting, where, the means for decrypting are provided to the public by the broadcasting organization, or with its consent.

Filipino

Pamamayahag (Broadcasting)

ito ay tumutukoy sa pagpapadala sa madla ng tunog o larawan, o ng mga anyo nitosa paraang hindi gumagamit ng kable.

Ang pagpapadala ng mga hudyat sa pamamagitan ng satellite ay isa ring paraan ng pamamahayag kung saan ibinibigay o ipinapaubayang namamahayag sa madla ang susi upang maunawaan ang hudyat.

English

Collective Management Organization

A collective management organization is an entity designated by copyright and related rights holders, or their heirs, to collectively manage their economic rights in their literary or artistic works.

Filipino

Collective Management Organization (CMO)

ito ay tumutukoy sa isang samahang itinatag o pinahintulutan ng mga may-ari ng karapatang-sipi at kinikilala ng pamahalaan bilang pangkalahatang tagapangasiwa ng mga karapatang ekonomiko ng mga nagtatag nito o ng kanilang mga tagapagmana.

English

Collective Work

A collective work is a work which has been created by two (2) or more natural persons at the initiative and under the direction of another with the understanding that it will be disclosed by the latter under his own name and that contributing natural persons will not be identified.

Filipino

Kolektibong Gawa

ito ay tumutukoy sa mga gawa na nilikha ng dalawa (2) o higit pang tao ayon sa simulain at patnubay ng isang pang tao, na may unawaang ang hulí ay tutukuying may akda ng gawa, samantalang ang ibang may ambag ay hindi tutukuyin.

English

Communication to the Public

Communication to the public means any communication to public, including broadcasting, rebroadcasting, retransmitting by cable, broadcasting and retransmitting by satellite, and includes the making of a work available to the public by wire or wireless means in such a way that members of the public may access these works from a place and time individually chosen by them.

Filipino

Paghahayag sa Madla

ito ay tumutukoy sa mga paraan ng paghahayag kung saan ang isang likha ay maaaring makamit o makita ng madla anumang oras at saanmang lugar na kanilang piliin sa pamamagitan ng mga kasangkapang may kable o wala.

Ang mga halimbawa ng paghahayag sa publiko ay ang sumusunod: paghahayag nang walang kable, paguulit ng paghahayag nang walang kable(rebroadcasting), paguulit ng paghahayag nang may kable, at paguulit ng paghahayag sa pamamagitan ng satellite.

English

Copyright

Copyright is a legal term which comprises both the economic and moral rights which creators have over their literary and artistic works.

Filipino

Karapatang-sipi

ito ang terminong ginagamit sa batas na tumutukoy sa mga karapatang ekonomiko at moral ng mga manlilikha sa kanilang mga gawang pampanitikan o pansining.

English

Copyright Registration

Copyright registration and deposit is the act of depositing a copy of a published work in the Intellectual Property Office of the Philippines.

Filipino

Rehistro ng Karatapang-sipi

ito ay tumutukoy sa pagpapalista ng isa o higit pang gawa o likha, at paglalagak ng kopya nito sa Intellectual Property Office of the Philippines.

English

Derivative Work

A derivative work is a work based on or derived from one or more already existing copyrighted works. It includes dramatizations, translations, adaptations, abridgements, arrangements, and other alterations of literary and artistic works as well as collections of literary or artistic works, and compilations of data and other materials.

Filipino

Hinangong Likha

Ang hinangong likha ay isang gawa na ibinatay sa o hinango mula sa isa o higit pang gawang may umiiral nang karapatang-sipi. Kabílang sa mga itinuturing na mga hinangong likha ang mga sumusunod:salin, pagsasadula, pag-aangkop, pagpapaikli, pagsasaayos, at iba pang pagbabago ng mga gawang pampanitikan o pansining. Kabilang din sa itinuturing na hinangong likha ang mga tinipon o pinagsama-samangmga gawang pampanitikan at pansining at mga kalipunan ng mga datos at iba pang bagay.

English

Economic Rights

Economic rights give the owner of copyright the exclusive rights to authorize or prohibit certain uses of a work.

The economic rights of an author are as follows:

  • Reproduction of the work or substantial portion of the work;
  • Dramatization, translation, adaptation, abridgment, arrangement or other transformation of the work;
  • The first public distribution of the original and each copy of the work by sale or other forms of transfer of ownership;
  • Rental of the original or a copy of an audiovisual or cinematographic work, a work embodied in a sound recording, a computer program, a compilation of data and other materials or a musical work in graphic form, irrespective of the ownership of the original or the copy which is the subject of the rental;
  • Public display of the original or a copy of the work;
  • Public performance of the work; and
  • Other communication to the public of the work.

Filipino

Mga Karapatang Ekonomiko

ito ay tumutukoy sa mga pansariling karapatan ng may-ari ng karapatang-sipi na payagan o pagbawalan ang ilang gawaing may kinalaman sa likhang siya ang may karapatang-sipi.

Ang mga natatanging pansariling karapatang ekonomiko ng isang nagmamay-ari ng karapatang-sipi ay ang sumusunod:

  • pagpaparami sa pamamagitan ng pagkopya ng nilikha;
  • paggawa ng mga hinangong likha;
  • unang pamamahagi ng nilikha;
  • pagpapa-upang nilikha;
  • pagtatanghal o pagpapakita ng nilikha sa sa madla;
  • pagganap ng nilikha sa harap ng madla;
  • iba pang paraan ng paghahayag ng nilikha sa madla.

English

Fair Use Doctrine

Fair Use Doctrine is a doctrine in copyright law that permits limited use of copyrighted material without having to first acquire permission from the copyright holder.

Filipino

Doktrina ng  Patas na Paggamit

ito ay tumutukoy sa doktrina kung saan pinahihintulutan ang isang taona gamitin ang isang gawa o likha nang hindi na kailangan pang hingin ang pahintulot ng may-aring karapatang-sipi, ayon sa itinakda ng batas.

English

Joint Authorship Work

A joint authorship work is a work that is produced by the collaboration of two or more authors, and in which the contribution of each author is not distinct from the other.

Filipino

Tambalang Likha

ito ay tumutukoy sa mga likhang ginawamula sa pagtutulunganng dalawa o higit pang manlilikha kung saan hindi tukoy ang ambag ng bawat isa.

English

Moral Rights

Moral rights are non-economic rights of a creator which protect the creator's connection with a work as well as the integrity of the work. It generally consists of the right to be attributed as the author of the work and the right to object to any alteration thereto that would bring dishonor and disrepute to the author.

Filipino

Mga Karapatang Moral

ito ay tumutukoy samga karapatang di-ekonomikong mga manlilikha na tumitiyaksa ugnayan ng manlilikha sakaniyang mgagawa at saintegridadng gawa. Kabilang dito ang karapatang kilalanin ang manlilikha bílang lumikha ng gawa, at ang karapatang tumutol sa anumang pagbabago sa kaniyang likha na maaaring magbunga ng kahihiyan o pagkasira ng kaniyang pangalan.

English

Originality

A concept in copyright law which means that the article or work in the literary, scientific, or artistic domain is created by an author or group of authors.

Filipino

Pagka-Orihinal

ito ay tumutukoy sa konsepto ng batas na nagtatakdang hindi dapat sinipi ng manlilikha o mga manlilikha mula sa gawa o likha ng ibang tao ang kaniyang inaangking gawa o likha.

English

Performers

Performers are actors, singers, musicians, dancers, and other persons who act, sing, declaim, play in, interpret, or otherwise perform literary and artistic work.

Filipino

Mga Gumaganap

ito ay tumutukoy sa mga gumaganap sa mga likhang pampanitikan o pansining tulad ng mga aktor, mang-aawit, musikero, mananayaw, at iba pa.

English

Public Performance

Public performance in the case of a work other than an audiovisual work, is the recitation, playing, dancing, acting or otherwise performing the work, either directly or by means of any device or process;in the case of an audiovisual work, the showing of its images in sequence and the making of the sounds accompanying it audible; and, in the case of a sound recording, making the recorded sounds audible at a place or at places where persons outside the normal circle of a family and that family’s closest social acquaintances are or can be present,irrespective of whether they are or can be present at the same place and at the same time, or at different places and/or at different times, and where the performance can be perceived without the need for communication within the meaning of Communication to the Public.

Filipino

Pampublikong Pagganap

maituturing na pampubliko ang isang pagganap ayon sa uri ng gawa o likha:

  • Kung ang likha ay hindi isang gawang audiovisual, ang pagbibigkas, pagsasadula, pagtutugtog, pagsasayaw, pag-aarte,at iba pang paraan ng pagganap ng isang likha nang harap-harapan o sa pamamagitan ng anumang kasangkapan o proseso;
  • Kung ang gawa o likha ay isang gawang audiovisual, ang sunud-sunod na pagpapalabas ng mga larawansa saliw ng tugtog nito; at

Kung ang gawa o likha ay isang itinalang tunog, ang pagpapatugtog ng nakatalang tunog sa lugar o sa mga lugar kung saan mayroong mga táong hindi karaniwang kasapi ng isang pamilya at ng malalapit na kakilala ng nasabing pamilya. Ito ay itinuturing na pampublikong pagganap kahit naang mga nasabing tao ay naroon o maaaring naroon sa parehong lugar at panahon, o nása magkakaibang lugar at/o panahon. Ito ay itinuturing pa ring pampublikong pagganap kahit na ang kamalayan ng mga nasabing tao sa pagganap ay hindi sa mga paraang katulad ng paghahayag sa madla.

English

Published Works

Published works means works, which, with the consent of the authors, are made available to the public by wire or wireless means in such a way that members of the public may access these works from a place and time individually chosen by them.

Filipino

Mga Gawang Nailathala

ito ay tumutukoy sa mga gawa na dati nang nailathala o naihayag sa madla sa pamamagitan ng mga kasangkapang may kableman o wala, ng may  pahintulot ng isa o maraming manlilikha at kung saan ang nasabing gawa ay maaaring makamit o makita ng madla anumang oras at saan mang lugar na kanilang piliin.

English

Reproduction

Reproduction is the making of one (1) or more copies, temporary or permanent, in whole or in part, of a work or a sound recording in any manner or form.

Filipino

Pagpaparami sa pamamagitan ng pagkopya

ito ay tumutukoy sa paggawa ng isa o higit pang mga sipi, pansamantala man o pangmalagian, nang buo o bahagi lámang, ng isang gawao ng tunog na itinala sa anumang paraan o anyo.

OTHER TERMS FOR INTELLECTUAL PROPERTY