Glossary of Terms - Patents, Utility Models, Industrial Designs

PATENTS, UTILITY MODELS, INDUSTRIAL DESIGNS / KATAWAGAN SA PATENT, MODELO NG UTILITY, DISENYONG INDUSTRIYAL

English

Annuity Fee

Annuity fee is a fee to be paid to maintain a patent or a patent application in force. Also known as renewal or maintenance fee.

Filipino

Annuity Fee (Taunang Bayarin)

Ang annuity fee ay taunang bayarin o obligasyon na kailangang mabayaran upang mapanatili ang patent o naihain (nakabinbin/pending) na aplikasyon para sa patent.

English

First to File

A legal concept in which the right to a patent for an invention is determined by the first person to file for a patent to protect that invention.

Filipino

Unang Nagharap (Naghain/file) ng Aplikasyon

Isang konseptong legal na ang karapatan sa patent para sa isang imbensiyon, modelo ng utility, o disenyong industriyal ay tinitiyak ng unang (naghain) nagharap ng aplikasyon para sa isang patent upang mapangalagaan ang imbensiyon.

English

Industrial Applicability

Industrial applicability or industrial application is a patentability requirement which means a patent can only be granted for an invention which is capable of industrial application (i.e. for an invention which can be made or used in some kind of industry).

Filipino

Industriyal na Gámit

Ang industriyal na gámit o aplikasyong industriyal ay isang kahingian para magkaroon ng patent na nangangahulugang ang isang patent ay maipagkakaloob lámang sa isang imbensiyong kapaki-pakinabang o makabuluhan na magagamit sa kalakalan (hal. upang ang isang imbensiyon ay magawa o maaaring magamit sa ilang uri ng industriya).

English

Industrial Design

Industrial design focuses on the physical appearance, functionality and manufacturability of a product. An industrial design application is an application for a patent to protect against the unauthorized use of new, original, and ornamental designs for items of manufacture.

Filipino

Disenyong Industriyal

Ang disenyong industriyal ay nakapokus (nakatuon sa panglabas na anyo ng isang bagay na nagbibigay ng kumbinasyon ng kulay, hugis o anyo na magsisilbing padron para makalikha ng isang produkto ) sa estétiko o pisikal na anyo na magagamit bilang hulwaran/patern para sa paggawa ng isang produkto.

English

Inventive Step

Inventive step is one of the patentability requirements which means an invention should be sufficiently non-obvious in order to be patented.  

Filipino

Mapanlikhang Hakbang

Ang mapanlikhang hakbang ay isa sa mga kahingian (ay isa sa kailangan na katangian upang maipagkaloob ang patent katulad ng ambag na teknikal ng imbensiyon na hindi bahagi ng nakasanayan o nakikita sa larangan ng paglikha) para sa patent na nangangahulugan na ang isang teknikal na kontribusyon ng isang imbensiyon ay hindi dapat na lumitaw na kasanayan sa isang tiyak na larang.

English

Novelty

Novelty is one of the patentability requirements which means an invention is not patentable if it was already known or no single piece of prior art discloses every element of the claimed invention before the date of filing.

Filipino

Novelty

Ang novelty ay isa sa mga kahingian para magkaroon ng patent na nangangahulugang ang isang imbensiyon ay maaaring magkaroon ng patent kung ito ay bago o naiiba sa mga umiiral na, batid na, at naisapubliko sa panahon ng paghaharap (paghahain) ng aplikasyon.

English

Office Action

An office action is an official written communication from a patent examiner Intellectual Property Office of the Philippines giving its position on a pending patent application.

Filipino

Aksiyon ng Tanggapan

ito ay isang nakasulat na opisyal na komunikasyon mula sa isang examiner (tagasuri) ng patent ng IPOPHIL na nagtataglay ng mga puna, natuklasan, obserbasyon, mungkahi, paalala o obserbasyon sa isang nakabinbing aplikasyon para sa patent.

English

Patent

A patent is an exclusive right that allows the inventor to exclude others from making, using, importing, or selling the product of his invention during the life of the patent.

Filipino

Patent

Ito ay ang eksklusibong karapatang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa isang imbentor upan mahadlangan ang iba na gumawa, gumamit, or magkaloob or magbenta ng isang imbensiyon sa loob ng limitadong panahon.

English

Patent Claim

A patent claim defines the scope of protection given to the owner of the patent (i.e., the right to prevent others from making, using, selling, offering for sale, or importing the claimed invention). Each claim is treated separately for purposes of determining patent validity and infringement.

Filipino

Pang-ankin sa Patent

Itinatakda ng pag-angkin sa patent ang saklaw ng proteksiyong ipinagkakaloob sa may-ari ng patent (hal. ang karapatang mahadlangan ang iba sa paggawa, paggamit,pagbebenta, o pag-angkat ng inaangking imbensiyon). Bawat pag-angkin ay itinuturing na hiwalay para sa mga layuning matiyak ang bisàng patent at paglabag

English

Patent Filing Date

The patent filing date or priority date is the date on which that patent application is legally accepted at the patent office. That date is typically the date on which the documents are deposited at the office but may be later if there are defects in the documents deposited.

Filipino

Petsa ng Paghaharap (Paghahain/pagtanggap) ng Aplikasyon para sa Patent

ang petsa ng paghaharap ng aplikasyon para sa patento priyoridad na petsa ay ang petsa kung kailan legal na tinanggap sa tanggapan ng patent. Ang petsang iyon sa pangkalahatan ay ang petsa na tinanggap sa tanggapan ang mga dokumento ngunit maaaring mas huli kung ang aplikasyon ay hindi kompleto o may depekto.

English

Patentable Invention

Patentable invention is any technical solution of a problem in any field of human activity which is new, involves an inventive step and is industrially applicable shall be patentable. It may be, or may relate to, a product, or process, or an improvement of any of the foregoing.

Filipino

Imbensiyong Maaaring Magkapatent (Mapagkalooban ng patent)

Ang imbensiyong maaaring magkapatent ay anumang teknikal na solusyon sa isang problema sa alin mang larangan ng aktibidad ng tao na bago, kinabibilangan ng mapanlikhang hakbang, at magagamit sa industriya. Maaaring may kaugnayan ito sa isang produkto, o proseso, o isang pagpapahusay pa ng alinman sa binanggit.

English

Patentee

A patentee is the inventor to whom the patent is granted and all persons to whom the patent is subsequently assigned. Also called “patent holder”, “patent proprietor”, or “patent right holder”.

Filipino

Patentee

Ang patentee ay ang imbentor na pinagkalooban ng patent at ang lahat ng taong sunod na binigyan nito. Tinatawag ding “may hawak ng patent”, “propiyetaryo ng patent”, o “may karapatan sa patent.”

English

Prior Art

Prior art is the existing body of information against which an invention is judged to determine if it is patentable as being novel and unobvious. These are public materials available prior to the filing date of a patent application which may prevent the grant of a patent.

Filipino

Naunang Impormasyon

Ang naunang impormasyon ay ang umiiral na kalipunan ng impormasyon na pinagbatayan upang matiyak kung mapagkakalooban ito ng patent dahil sa pagiging bago o mapanlikha . Ang mga ito ay publikong materyales (kaalaman) na (laganap) available na bago ang petsa ng paghaharap ng aplikasyon para sa patent na maaaring makahadlang sa pagkakaloob ng patent.

English

Utility Model

A utility model is any technical solution to a problem in any field of human activity which is new and industrially applicable. It may or may not have an inventive step.

Filipino

Modelo ng Utility

alinmang solusyong teknikal sa isang problema sa alinmang larangan ng gawain ng tao na bago at magagamit sa industriya. Ito ay maaaring mayroon o walang mapanlikhang hakbang. Tinutukoy din bilang “petty patent” sa ilang hurisdiksiyon

OTHER TERMS FOR INTELLECTUAL PROPERTY