General Terms / Pangkalahatang Katawagan
English
Copyright Infringement
Copyright infringement is the reproduction, distribution, performance, and public display of copyright-protected material without the permission of the copyright holder.
Filipino
Paglabag sa Karapatang-sipi
ang paglabag sa karapatang-sipi ay ang reproduksiyon, distribusyon/pamamahagi, pagganap/pagsasadula, at publikong displey ng materyales na may karapatang-sipi nang walang pahintuot ng may-ari ng karapatang-sipi.
English
Counterfeit
Counterfeit goods are goods, including packaging, bearing without authorization a trademark which is identical to the trademark validly registered in respect of such goods, or which cannot be distinguished in its essential aspects from such a trademark.
Filipino
Huwad
ang mga huwad na produkto ay mga produkto, kabilang na ang pagkapakete, na nagtataglay ng isang trademark/tatak pangkalakal, nang walang awtorisasyon, na kapareho ng trademark ng balidong nakarehistro ng gayong produkto, o hindi makikilala sa mga esensiyal na aspekto sa gayong trademark/tatak pangkalakal.
English
Intellectual Property
Intellectual property refers to creations of the mind, such as inventions, literary and artistic works, designs, and symbols, names, and images used in commerce.
Filipino
Yamang Isip
Tumutukoy sa mga likha ng isip, gaya ng imbensiyon, likhang pampanitikan at sining, disenyo, at simbolo, pangalan at imahen na ginagamit sa komersiyo/kalakalan.
English
Patent Infringement
Patent infringement occurs when another party makes, uses, or sells a patented item without the permission of the patent holder.
Filipino
Paglabag sa Patent
Nagkakaroon ng paglabag sa patent kapag ginawa, ginamit, o ibinenta ng isang partido ang isang bagay na may patent nang walang pahintulot ang may may-ari ng patent.
English
Trademark Infringement
Trademark infringement is the unauthorized use of a trademark or service mark on or in connection with goods and/or services in a manner that is likely to cause confusion, deception, or mistake about the source of the goods and/or services.
Filipino
Paglabag sa Trademark/Tatak Pangkalakal
Ang paglabag sa trademark/tatak
pangkalakal ay ang hindi awtorisadong paggamit ng isang tatak pangkalakal o marka
ng serbisyo sa o may kaugnayan sa mga produkto at/o mga serbisyo sa paraang
maaaring lumikha ng kalituhan, panlilinlang, o pagkakamali tungkol sa pinagkunan ng
mga produkto at/o serbisyo.