Glossary of Terms - Trademarks

Trademark Terms / Katawagan sa Trademark o Tatak Pangkalakal

English

Collective Mark
a sign used in relation to goods or services to indicate that they originate from members of an association or particular group, including the quality, geographical origin or other characteristics of the goods or services.

Filipino

Kolektibong Marka
palatandaang ginagamit kaugnay ng mga produkto o mga serbisyo na nagsasaad na nagmula ang mga iyon sa mga kasapi ng isang asosasyon o partikular/tanging grupo, kabílang na ang kalidad, pinagmulang  lugar o iba pang katangian ng mga produkto o serbisyo.

English

Color claim
a claim or declaration that a particular color or combination of colors is a material feature of the mark.

Filipino

Pag-angkin sa kulay
pag-angkin o deklarasyon na ang partikular/tanging kulay o kombinasyon ng mga kulay ay tampok na katangian ng marka.

English

Confusingly Similar Marks
marks which are similar in their appearance, sound or meaning but owned by different proprietors and being used or intended to be used on the same or related goods and/or services that will likely confuse the relevant public.

Filipino

Nakalilitong Magkakahawig na Marka
mga markang magkakahawig sa hitsura, tunog, o kahulugan ngunit iba’t iba ang nagmamay-ari at ginagamit o nilalayong gamítin sa magkapareho o magkaugnay na mga produkto at/o mga serbisyo na maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.

English

Declaration of Actual Use (DAU)
a sworn statement signed by the applicant or registrant or their authorized representative declaring that the mark is actually being used in commerce in the Philippines on goods and/or services covered by the application or registration.

Filipino

Deklarasyon ng Aktuwal na Paggamit
sinumpaang salaysay na nilagdaan ng aplikante o registrant (nagparehistro) o ng kanilang awtorisadong kinatawan na nagpapahayag na ang marka ay ginagamit sa komersiyo sa Pilipinas sa mga produkto at/o serbisyo na sakop ng aplikasyon o rehistrasyon.

English

Descriptive Marks
marks that merely describe the kind, quality, quantity, purpose, value, place of origin, or other characteristics of the goods or services and considered to be too weak to function as a trademark.

Filipino

Mga Markang Naglalarawan
mga marka na naglalarawan lámang ng uri, kalidad, kantidad, layunin, halaga, lugar na pinagmulan o iba pang mga katangian ng mga produkto o mga serbisyo at itinuturing na hindi epektibo upang maging trademark/tatak pangkalakal.

English

Disclaimer
a statement that is required from the applicant that he or she does not claim the exclusive right to an unregistrable portion of the mark such as generic and descriptive terms.

Filipino

Disclaimer
pahayag na hinihingi sa aplikante na hindi niya eksklusibong pag-aari  ang karapatan sa isang bahagi ng marka na hindi mairerehistro gaya ng mga katawagan/terminong generic o deskriptibo/naglalarawan

English

Distinctive Marks
marks which consist of made-up or coined terms or words with no dictionary meaning; images or designs that have no inherent meaning; or ordinary terms, images or designs that have no relation to the goods or services; or merely suggest or give a hint as to some qualities or characteristics of a product or service they are associated with.

Filipino

Mga Natatanging Marka
mga markang binubuo ng mga  likhang katawagan o mga salita na walang kahulugan sa diksiyonaryo; mga imáhen o disenyong walang likás na kahulugan; o karaniwang mga  katawagan, imáhen o disenyo na walang kaugnayan sa mga produkto o serbisyo, o nagmumungkahi o nagpapahiwatig lámang ng ilang kalidad o katangian ng isang produkto o serbisyo na kinabibilangan nilá.

English

eCORR
refers to the electronic system for sending outgoing office actions.

Filipino

eCORR 
tumutukoy sa sistemang elektroniko para sa pagpapadala ng mga papalabas na aksiyon ng tanggapan

English

eDOCFile
refers to the electronic filing system of responses, supplemental documents and subsequent requests other than the filing of a trademark application.

Filipino

eDOCFile
tumutukoy sa sistema ng elektronikong pagpa-file ng mga tugon, mga karagdagang dokumento, at kasunod na mga kahilingan  bukod sa pag-file ng aplikasyon para sa trademark/tatak pangkalakal

English

eTMFile
refers to the electronic filing system of trademark applications

Filipino

eTMFile
tumutukoy sa sistema ng elektronikong pagpa-file ng aplikasyon para sa trademark/tatak pangkalakal

English

Filing date
refers to the date on which the Intellectual Property Office of the Philippines received the complete and paid-up trademark application.

Filipino

Petsa ng pag-file
tumutukoy sa petsa ng pagtanggap ng Intellectual Property Office of the Philippines ng kompleto at bayád nang aplikasyon para sa trademark/tatak pangkalakal

English

Generic marks
marks that pertain to the common names of the products or services on which the marks are used or will be used or the groups or classes to which the goods or services belong and cannot be exclusively appropriated by a single entity.

Filipino

Mga markang generic
mga markang nauukol sa mga karaniwang pangalan ng mga produkto o mga serbisyo na pinaggamitan o paggagamitan ng mga marka o mga grupo o mga uring kinabibilangan ng mga produkto o mga serbisyo at hindi maaaring eksklusibong angkinin ng isang entidad

English

Geographical indication
refers to a sign used on products that have a specific geographical origin and possess qualities, reputation or characteristics that are due or attributable to that origin.

Filipino

Indikasyong Heograpiko
tumutukoy sa isang panandang ginagamit sa mga produktong may espesipikong  lugar na pinagmulan at nagtataglay ng mga kalidad, reputasyon, o mga katangiang naaangkop sa pinagmulang iyon

English

Identical Goods or Services
Goods/services are considered identical if they are of the same kind or nature.

Filipino

Magkakaparehong Produkto o Serbisyo
itinuturing na magkakapareho ang mga produkto/serbisyo kung pareho ang kanilang uri o likás na katangian

English

Madrid Protocol
an international system for obtaining trade mark protection for a number of countries and/or regions using a single application, in one language, and one currency.

Filipino

Madrid Protocol
isang pandaigdigang sistema upang mairehistro  ang isang  trademark/tatak pangkalakal  sa maraming bansa at/o rehiyon na gumagamit ng isang aplikasyon, sa isang wika, at isang currency o salapi.

English

Misleading Marks
marks that are likely to mislead or deceive the public as to the nature, quality, characteristics or place of origin of the goods and/or services.

Filipino

Mga Markang Nanlilito
mga markang malamáng na makapanlilito o makapanlilinlang ng publiko hinggil sa likás na katangian, kalidad, mga katangian, o lugar na pinagmulan ng mga  produkto at/o sebisyo.

English

Nice Classification
is the international classification of goods and services established by the Nice Agreement

Filipino

Klasipikasyong Nice
ang pandaigdigang klasipikasyon ng mga produkto at mga serbisyo na itinakda ng Kasunduan sa Nice

English

Notice of Abandonment
a notification to the applicant that his or her application has been abandoned for failure to respond or for filing an incomplete response to an outstanding office action.

Filipino

Abiso ng Pag-abandona/Abiso ng Hindi Pag-aksiyon
Abiso sa aplikante na ang kaniyang aplikasyon ay inabandona/hindi inaksiyunan dahil sa pagkabigong tumugon o dahil sa pag-file ng di kompletong tugon sa isang  nakabinbing aksiyon ng tanggapan

English

Notice of Allowance
notification to the applicant that his or her application has passed the criteria for registration and the mark will be published for purposes of possible opposition upon payment of fees.

Filipino

Abiso ng Pahintulot
abiso sa aplikante na ang kaniyang aplikasyon ay nakapasá sa mga batayan para sa rehistrasyon at kapag nakapagbayad na ng mga bayarín ay ilalathala ang marka para sa layuning maláman kung may tututol 

English

Notice of Final Abandonment
a notification issued to the applicant when he or she fails to submit a request for the revival of the application within the prescribed period.

Filipino

Abiso ng Pinal na Pag-abandona
abiso na ipinadadala/ipinaaabot sa aplikante kapag hindi siyá nakapagsumite sa loob ng itinakdang panahon ng kahilingang muling aksiyunan ang aplikasyon

English

Notice of Final Refusal
a notification issued when the examiner has determined that the mark has not met the requirements for registration under the IP Code.

Filipino

Abiso ng Pinal na Pagtanggi
abiso na ipinadadala/ipinaaabot kapag natiyak ng examiner na hindi nakatugon ang marka sa mga kahingian para sa rehistrasyon sa ilalim ng IP Code

English

Opposition
an administrative remedy that may be filed within thirty days from publication by any person who believes that he or she may be damaged by the registration of a mark.

Filipino

Pagtutol
isang administratibong lunas/solusyon na maaaring i-file sa loob ng tatlumpong araw mula sa pagkalathala ng sinumang naniniwala na siyá ay mapeperhuwisyo o mapipinsala kapag nairehistro ang marka

English

Registrability Report
the first office action which contains the findings of the examiner regarding non-compliance of the application with the requirements of the IP Code and the Trademark Regulations.

Filipino

Ulat kung Maaaring Irehistro
unang aksiyon ng tanggapan na nagtataglay ng mga natuklasan ng examiner hinggil sa hindi pagtugon ng aplikasyon sa mga kahingian ng IP Code at ng Trademark Regulations

English

Registration Date
refers to the date when the rights to a mark accrue from which the ten-year duration of the registration begins

Filipino

Petsa ng Pagpaparehistro 
tumutukoy sa petsa kung kailan magsisimula ang mga karapatan sa isang marka  at kung kailan magsisimula ang sampung-taóng pag-iral ng rehistrasyon

English

Response Period
refers to the two-month period from the mailing date of the official action within which an applicant may respond thereto.

Filipino

Panahon ng Pagsagot
tumutukoy sa dalawang-buwang panahon, mula sa petsa ng opisyal na aksiyon na maaaring sumagot ang isang aplikante

English

Revival Period
refers to the three-month period from the date of abandonment of an application within which it may be revived.

Filipino

Panahon ng Muling Pag-aksiyon
tumutukoy sa tatlong-buwang panahon, mula sa petsa ng pag-abandona sa isang aplikasyon, na maaaring muling aksiyunan ito 

English

Service Mark
a word, phrase, symbol, and/or design that identifies and distinguishes the source of a service rather than goods.

Filipino

Marka ng Serbisyo
isang salita, parirala, simbolo, at/o disenyo na nagpapakita at nagpapakilala ng pinagkunan ng isang serbisyo sa halip na mga produkto

English

Similar or related goods and/or services
are goods and/or services that are not identical but have some connection by reason of their characteristics, purpose or factors regarding their use.

Filipino

Magkakahawig o magkakaugnay na produkto at/o serbisyo
mga produkto at/o serbisyo na hindi magkapareho ngunit may pagkakaugnay dahil sa kanilang mga katangian, layunin, o salik hinggil sa kanilang gámit

English

Subsequent Action
an office action which contains the reiteration of the findings stated in the Registrability Report when the examiner raises new issues, clarifications or elaborations arising from the submitted response.

Filipino

Kasunod na Aksiyon
aksiyon ng tanggapan na nagtataglay ng pag-uulit ng mga natuklasang isinaad sa Ulat kung Maaaring Irehistro nang mag-ulat ang examiner ng mga bágong isyu, klaripikasyon, o elaborasyon mula sa mga isinumiteng tugon

English

Trademark
any visible sign capable of distinguishing the goods of one enterprise from that of another, or identifying the source or provider of the goods. 

Filipino

Trademark /Tatak Pangkalakal
anumang nakikitang palatandaan na maaaring mapagkilanlan ng mga produkto ng magkaibang negosyo, o  mapag-aalaman ng pinagmulan o nagkakaloob ng mga produkto

English

Trade Name
the name under which an individual or company does business, also known as business name or identifier.

Filipino

Pangalan ng Negosyo
pangalang ginagamit sa pagnenegosyo ng isang indibidwal o kompanya, kilalá din bílang pangalan ng negosyo o pagkakakilanlan

English

Translation
the process of expressing a word from one language to another.

Filipino

Pagsasalin
proseso ng pagpapahayag ng isang salita mula sa isang wika patungo sa ibang wika 

English

Transliteration
the process of representing letters or characters from one language to the corresponding letters or characters of another language or alphabet.

Filipino

Transliterasyon
proseso ng pagreperesenta ng mga letra o simbolo mula sa isang wika patungo sa katumbas na mga letra o simbolo ng ibang wika o alpabeto

English

Well-known Marks
marks which are widely known to the relevant consumers or public and enjoy a relatively high reputation declared as such by the competent authorities.

Filipino

Mga Kilaláng Marka
mga markang malawakan nang kilalá ng mga mamimili o ng publiko at may reputasyong idineklara ng mga bihasang awtoridad

OTHER TERMS FOR INTELLECTUAL PROPERTY