Royalties: Lahat ng katanungan mo bilang artist

June 22, 2023

Alam mo ba that when you pay royalties, you pay respect to artists? Sa blog na ito, ipapaliwanag namin ang royalties, ang kahalagahan nito sa creative economy at maraming pang ibang tanong na alam naming madalas mong tanungin tungkol sa nararapat na bayad sa iyo bilang artist.

Ano ang royalties?

Kung ikaw ay isang artist, dapat mong malaman na marami kang ekslusibong karapatan sa pamamalakad ng iyong copyright. Isa na sa karapatang iyon ay ang makatanggap ng bayad kapalit sa paggamit ng iyong obra lalo na kung ginamit ito ng iba para pagkakitaan.

Sa mundo ng intellectual property, royalties ang tinatawag sa binabayad sa mga artist para sa paggamit ng kanilang copyrighted works. Iba ito sa tinatanggap nating buwanang sahod bilang empleyado. Iba rin ito sa tinatawag na “remuneration” na tatalakayin natin sa susunod sa usapang karapatan ng performers, broadcasters at recorders.

Bakit mahalaga ang royalties?

Layunin ng royalties na mabigyan ka bilang artist ng insentibo para mailabas ang iyong pagiging malikhain at patuloy na gumawa ng obrang makakahikayat at magbibigay inspirasyon sa iba na gumawa ng sariling obra. 

Ayon sa pag-aaral ng World Intellectual Property Organization, ang paglago ng copyright ng isang bansa ay nakakatulong sa pagusbong ng ekonomiya neto. Sa Pilipinas, tinatayang 7.34% ang value contribution ng copyright-based industries sa ekonomiya, malapit na nakasunod sa 7.35% ng China na may pinakamalaking share ng copyright sa pitong emerging economies na sinurvey.

Kung ikaw ay isang ordinaryong artist, ang pagtanggap ng royalties ay makakatulong sa iyo upang makadagdag sa iyong kita, maiangat ang iyong estado ng buhay at higit sa lahat mabigyan ka ng mas maraming oras na gumawa ng obra, lalo na’t karamihan ng artist ay ginagawang sideline lamang ang kanilang creative projects.

Sa kabuuan, layunin ng royalties na bigyang halaga ang pawis, dugo at oras na ginugugol mo bilang artist sa iyong obra. 

Ano-anong copyrighted works ang sakop ng royalties?

Maraming literary at artistic works ang maaari mong ipaggamit sa iba kapalit ng royalties. Halimbawa na lamang ay mga nobela, tula, drama, reference works, dyaryo, advertisements, computer programs, databases, pelikula, musical compositions, choreography, paintings, drawings, litrato, sculpture, architecture, mapa at technical drawings. 

Ang isang obra lamang ay maaring naglalaman ng maraming copyrightable elements. Halimbawa, sa isang kanta, maaring hiwalay ang royalties na binibigay sa sumulat ng lyrics at sa nagdagdag ng mga nota. 

Magkano ang dapat na royalties na binibigay sa artist?

Walang itinalaga ang batas na isang fixed amount na dapat ibayad bilang royalties. Dahilan nito ay ang pagkakaiba iba ng mga obra at ang value ng mga ito sa merkado. Maaaring may mga handang magbayad ng mas malaking royalties kumpara sa iba. Maaari ring bayaran ang ilang parte lang ng isang obra at hindi ang kabuuang paggamit neto. Magdedepende ang royalties sa magiging negosasyon ninyo. 

Paano nakakatanggap ang artist ng royalties?

Maaari magkaroon ng direktang transaksyon sa pagitan ng artist at ng nanghihingi ng permiso. Sa mundo ngayon ng social media, mas napadali na kumonekta sa ibang tao at manghingi ng permiso na mag-share ng post ng iba. Mabuting gamitin ito upang magpaalam ng maayos sa original copyright owner.

Sa panahon ngayon, may mga digital platforms na rin tulad ng YouTube na nakikita kung nag-uupload ka ng copyrighted work ng iba. Ang aktong ito ay maituturing na isang form ng copyright infringement na labag sa Intellectual Property Code of 1997. Sa ganitong sitwasyon, umaaksyon ang YouTube base sa desisyon ng tunay na may ari ng copyright na maaring pumayag na magprofit-sharing kayo sa inupload mo na content o ipatanggal ang inupload mo na video. 

Hinihikayat din ng IPOPHL na sumali ang artists sa mga Collective Management Organizations (CMO) na accredited ng IPOPHL. 

Ang CMOs ay nagsisilbing one-stop shop para kolektahin ng royalties na nararapat sa kanilang artist-members at protektahan ang kanilang IP rights sa pamamagitan ng pagsiguro na lahat ay nagbabayad ng tama sa paggamit ng copyrighted works ng kanilang mga miyembro. Sa pagkakataong may hindi nagbabayad ng maayos, tumutulong din ang CMOs na maresolba ang kaso katulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng IPOPHL.

Sa ngayon, mayroong limang CMOs na accredited sa IPOPHL. Ang mga ito ay ang Performers Rights Society of the Philippines, Inc. (PRSP); Filipino Society of Composers, Authors and Publishers, Inc. (FILSCAP); Philippines Recorded Music Rights Inc. (PRM); Independent Music Producers of the Philippines (IMPRO); and Sounds Recording Rights Society, Inc. (SRRS). 

Ibig sabihin ba ng kahalagahan ng royalties ay lagi na lang dapat magbayad kapag gumagamit ng copyrighted work ng iba? 

Ang pagtanggap ng royalties, bukod sa iba pang mga eksklusibong economic at moral rights ng isang artist, ay may limitasyon.

Para sa karamihan ng artistic at literary works, epektibo ang copyright protection hanggang sa pagpanaw mo plus 50 years pa para mapakainabangan ng iyong mga tagapagmana ang pinaghirapan mong obra. May ibang artistic works naman na protektado lang ng 50 years, halimbawa sa photographs, audio-visual works at anonymous pseudonymous works. May iba naman na 25 years lang ang proteksyon katulad ng works of applied art.

May mga paraan ng paggamit din na maaaring makonsider na fair use kung saan hindi na kinakailangan ng royalties o permiso mula sa copyright holder. Kapag ginamit for educational purposes ang isang obra (halimbawa: class presentation) at kung maliit na parte lang ng obra ang ginamit (halimbawa: isang linya ng kanta), maaaring pumasa ito bilang fair use. Pero madalas pa rin na case-to-case basis ang pagkonsidera kung ang isang kaso ay fair use. 

Paano kung ayaw akong bayaran ng taong gumamit ng aking creative work? 

Kung sa social media ginamit ang iyong obra, maaari mo itong ireklamo direkta sa plataporma. May kapangyarihan ang plataporma na tanggalin ang post kung mapatunayan mong ikaw ang orihinal na gumawa ng copyrighted work. Ang Certificate of Copyright Registration na binibigay ng Bureau of Copyright and Related Rights sa iyo kapag nirehistro mo ang copyrighted work mo ay isa  sa mga maaari mong ipakita na pruweba ng pag-aari mo sa copyright ng iyong likha. Sundan ang four easy steps dito para mai-rehistro ang iyong copyright ownership at tignan dito kung paano mapoprotektahan ang iyong intellectual property rights sa Facebook. 

Maaari mo ring iakyat ang kaso bilang isang administrative case sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL). Sa IPOPHL, maaari ring dumaan muna ang iyong kaso sa aming mediation services. Layunin neto na maayos ang inyong conflict ng hindi dumadaan sa korte na maaaring mas mahal sa bulsa at mas tumagal. 

Maaari ring idinig sa korte ang iyong kaso bilang isang civil or criminal case. Kapag napatunayang nilabag ang iyong copyright, maaaring magbayad danyos ang may sala. Ang presyo ay depende sa tinatayang economic losses mo dahil sa hindi niya pagbayad ng royalties. 

This article was reviewed and approved by the Bureau of Copyright and Related Rights.

September 22, 2018 / Expert Article, News

Competition Policies and IPRs – Where to Look for Guidance given Policy Space

Competition policies have at times been invoked to challenge possible cases of abuse of intellectual property rights (IPR). The Hazel...
Read More
September 22, 2018 / News

IPOPHL sets patent workshops, training to spur protection, commercialisation of university research

Photo by Michael John Desuta via WESVAARRDEC Seeing the need to protect, and make more of the research of Philippine universities...
Read More
1 176 177 178